Wednesday , June 26 2024
yosi Cigarette

Kelot nasita sa yosi kulong sa sumpak

HUWAG magsigarilyo sa pampublikong lugar, kung may dalang magiging dahilan para masadlak sa rehas na bakal.

               Aral ito sa isang lalaking nasita ng mga pulis dahil sa kanyang paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang karampatang kasong ihahain laban sa kanya.

               Sa nakarating na ulat ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 sa 3rd Avenue, Brgy., 118 dakong 9:00 pm nang makita nila ang isang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar.

Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod ay tumakbo ang suspek na may bitbit na isang eco bag.

Hinabol siya ng mga pulis at nang makorner ay nakuha sa suspek na si alyas Popoy ang isang green ecobag na naglalaman ng isang improvised gun o sumpak na kargado ng isang bala ng shotgun.

               Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

BSP DILG Paleng-QR Pulilan

BSP, DILG inilunsad ang Paleng-QR Ph Program sa bayan ng  Pulilan

UPANG matiyak ang mabilis, ligtas, at tumpak na transaksyon, pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas …

San Miguel Bulacan

Mag-asawa tinarget ng tatlong kawatan

ISANG mag-asawang kararating lang sa kanilang bahay ang pinagnakawan ng tatlong hindi pa nakikilalang kawatan …

arrest, posas, fingerprints

7 tulak, wanted na estapador natiklo

NAGSAGAWA ng serye ng operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal …

PNP PRO3

Regional police director sa Central Luzon iimbestigahan sa ilegal na POGO

ANG REGIONAL police director ng Central Luzon ay nasa ilalim ng imbestigasyon kasunod ng pagkakadiskubre …

arrest, posas, fingerprints

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte …