Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo J Caparas, Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren, Gina Alajar SPEEd The EDDYS

Eva Darren bibigyang pagkilala ng The EDDYS

HATAWAN
ni Ed de Leon

TINGNAN nga naman ninyo ang takbo ng buhay. Nabastos si Eva Darren sa FAMAS dahil sa kabila ng kinausap at binentahan pa ng tickets at gumastos siya ng mahigit na P60,000 para sa damit, make-up at kung ano-ano pa. Hindi naman siya ginawang presentor dahil inalis siya sa listahan dahil wala raw confirmation ang PRO ng FAMAS na nangumbida sa kanya at nagbenta ng tickets para sa awards na darating siya. Pinalitan siya ng mga nangangasiwa sa show na mga tauhan ng Philippine Stagers Foundation na pag-aari ng director, head jurist, moderator, at presentor din ng awards na si Vince Tanada, at ang ipinalit sa kanya ay isang baguhang singer na syota pala ng isa sa mga host na si Sheena Palad

Pinakiusapan lang si Sheena noong oras na iyon. Kasi hindi nakarating si Glaiza de Castro at tumanggi si Nova Villa dahil malabo na raw ang mata.” 

Pero by that time, nakita nilang naroroon si Eva, bihis na bihis at handa pero bakit si Palad pa ang ipinalit nila. Hindi ba wala man sa script nila dapat kinuha na lang nila si Eva? At bakit iyon bang si Sheena ay nasa script nila? Kasi ang pangalan ni Sheena nailagay din agad nila sa background screen noong tawagin iyon sa stage. Ibig sabihin nagkaroon sila ng panahon na baguhin ang pangalan sa background screen. Hindi talaga mabilisan ang pagkakapalit kay Sheena.

Pero tingnan na nga naman ninyo ang gulong ng kapalaran, napahiya man si Eva sa kapalpakan ng FAMAS ngayon binigyan naman siya ng pagkilala ng mas prestihiyosong The EDDYS na mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), na binubuo ng mga editor ng lehitimong diyaryo, tabloid, at entertainment portals. Hindi puwede riyan kahit na editor ka kung pucho-pucho lang ang diyaryo mo. Iyan ay mga iginagalang at kinikilalang mga editor.

Isipin ninyo idedeklara siyang Icon ng pelikulang Filipino sa Hulyo 7, at sa isang awards night na gaganapin sa Grand Ballroom ng Marriot Hotel, at hindi siya pagbabayarin ng P5,000 para sa tickets sa dinner.

Isa pa, iyang The EDDYS mas prestihiyosong award, dahil sa loob ng nakaraang anim na taon, walang usapan ng corruption diyan. Hindi nalalagyan iyan at hindi nagbebenta ng award iyan. Kung gagawin nila iyon kahihiyan din ng mga diyaryong kinakatawan nila, at ang mga miyembro naman ay hindi mga “da who” lamang. Hindi sila kagaya ng ibang ang mga miyembro ay nanghihingi pa ng pamasahe, at nanghihingi pa ng pa-merienda sa kanilang review. Iyang The EDDYS lagi silang may isang pribadong review na sila-sila lamang ang nasa loob. Walang mga influence peddler, walang award fixers.

Aba eh hindi ba malaking karangalan iyang tatanggapin ni Darren? Makakasama pa niya bilang Icon sa taong ito sina direk Carlo Caparas Nova Villa, Gina Alajar, Leo Martinez, at Lito Lapid. Puro mga may binatbat ang makakasama niya, hindi mga hotoy-hotoy na personalidad lamang.

Mapapanood pa iyan sa AllTV Channel 2, hindi sa mga pucho-puchong live streaming lang sa internet. At ang director ng show, take note, si Eric Quizon na isang lehitimong director sa telebisyon at pelikula. 

Ang matatanggap pa nilang trophy ay isang art work ng actor na si Leandro Baldemor. Ano ang binatbat ng iba sa matatanggap niyang karangalan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …