I-FLEX
ni Jun Nardo
MATINDING sagupaan ang nangyari sa name tag game na naganap sa isang episode ng Running Man Philippines kaya sa isang clinic ang bagsak ng runners na sina Miguel Tanfelix at Kokoy de Santos.
Ipinakita ni Miguel sa kanyang Instagram ang sitwasyon nila ni Kokoy habang nasa clinic. Eh masasakitin pala si Kokoy ayon kay Miguel kaya mas mahirap ang naranasan niya.
Mahaba-haba pa ang labanan sa RMPH kaya matira ang matibay sa lahat ng runners, huh.