I-FLEX
ni Jun Nardo
TINAWAG na bakla ng isang gay make up artist and stylist ang isang klosetang singer nang magsama sila sa isang holding area kasama ang iba pang invited sa event na kapwa nila dinaluhan.
Eh pinansin ni singer ang magandang ayos ng buhok ng stylist. Natuwa naman si stylist at sinabing mamahalin gamita niya.
Pero sa pagsabi ng stylist, pasigaw niyang sinabi na, “Bakla ka!” Nagulat si singer. Pati na si stylist dahil wa buking si singer sa gender niya.
Dahil sa ginawa ni stylist, nag-request si singer na ilipat siya ng ibang holding area.