MATABIL
ni John Fontanilla
MAY isang taon na pala simula nang mag-post si Kris Bernal sa kanyang social media na naghahanap siya ng yaya para sa anak na si Hailee Lucca, na hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuha.
Kamakailan ay may bagong post ito sa kanyang Instagram Story, na sinabi ni Kris na “Still looking for a yaya.
“Please send your biodata together with your NBI/Police Clearance and government IDs at [email protected].”
Nagbigay din ito ng requirements sa mga mag-aaplay na yaya ng kanyang anak na kailangan ay, “well-experienced day and night yaya.”
At sa post na ito ay dumagsa ang suggestions na galing sa ilang netizens.
“Bakit di na lang muna kumuha ng kamag-anak para magbantay?”
“Bakit kaya hindi nurse ang ihire nya para sure sya sa credentials? Mas mahal nga lang but mayaman naman sila.”
“Dapat kumuha na lang ng nurse or midwife.”
“Why not maghanap ka sa agency? Meron naman siguro.”
“Bakit di ba siya pwedeng magtanong sa mga friends niya kung may alam silang agency or something? Parang mas mahirap naman magtiwala kung galing lang sa social media ang mag-aapply knowing her din na parang may pagkamaarte.”