Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Alden Richards FAMAS Piolo Pascual Marian Rivera Dingdong Dantes Coco Martin

Alden binansagang Boy Bakod, Kathryn mala-Jawo bantayan

HATAWAN
ni Ed de Leon

INAAMIN naming dahil ang napanood lang ay ilang video clips ng FAMAS dahil hindi naman kami talagang mahilig manood ng awards night, lalo at sa internet lang palabas. Hindi kompleto ang aming detalye. 

Nasabi naming ipinagkaloob ng FAMAS  kay Vilma Santos ang kanyang ikatlong Circle of Excellence award bilang isang aktres pero hindi namin nabanggit na ang kanyang leading man na si Christopher de Leon na nai-akyat na rin sa Hall of Fame bilang best actor ay binigyan din ng Circle of Excellence bilang actor ng taong 2023.

Tama rin naman sa aming palagay ang napili nilang best actress na si Kathryn Bernardo para sa pelikulang A Very Good Girl, na ginawaran din ng Box Office Queen award kahit na ang pelikula niyang iyon ay hindi kalakasan, dahil hindi raw siya nabigyan ng parangal nang gawin ang pelikula nila ni Alden Richards na sumira ng box office records. Inabot na kasi ng pandemic. Pero kung si Alden ay tinawag ding Box Office King, sa FAMAS ay tinalo siya nina Piolo Pascual at Alfred Vargas bilang best actor.

Pero ok lang iyon dahil hindi naman iyon ang ipinunta niya sa FAMAS. Ngpunta siya roon dahil alam niyang daratimg si Kathryn na talagang hinintay niyang dumating at sinamahan hanggang backstage. Dahil doon, nagkaroon naman si Alden ng isang bagong title, “Boy Bakod” dahil lagi raw siyang naroroon para bakuran si Kathryn.

Hindi mo naman masisisi si Alden dahil ang dami talagang balak na manligaw din kay Kathryn at ang dating syota niyong si Daniel Padilla ay may ambisyon pang makabalik. Isa pa paano kung may isa ring babaeng magpunta kay Kathryn at sabihing nakalasingan niya si Alden at nagka-one night stand din sila, eh di lagot siya. Hindi na rin siya makaka-score. Aba kahit na hindi totoo iyon may maaaring gumawa ng ganoong kalokohan. Hindi ka nakasisiguro, kaya dapat mas higpitan ni Boy Bakod ang kanyang pagbabantay kay Kathryn. Para mas maganda ring pakinggan, inglesin na lang nila “fencing” ‘di mas ok pa sa pandinig. Hindi ba si Juliana Gomez, gaya rin ng kanyang amang si Richard Gomezay champion sa “fencing.”  Iisipin ng makaririnig na fencing talaga iyon. Maliban na nga lang kung si Anne Curtis ang mag-translate tiyak tatama iyon sa bakod. 

Hindi ba nang isalin niya sa Tagalog iyong “Bee” sa kasabihang “Busy as a  bee” lakas loob pa niyang sinabi sa Tagalog na tutubi. Eh bubuyog iyon kaya nga inulan siya ng kantiyaw dahil endorser siya ng isang produktong ang mascot ay isang bee tapos sasabihin niya sa Tagalog na tutubi. Eh kung marinig niya ang “fencing” tiyak iyon ang translation niya “binabakuran.” Obvious naman kasi si Boy Bakod eh.

Siguro naman sa ngayon tawagin man nila si Alden na “Boy Bakod” hindi sila papansinin niyon. Kasi alam niya na magiging malaking hit na naman ang pelikulang pinagtambalan nila ng kanyang binabakuran.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …