Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bagong gusali para sa retired MPD cops, pinasinayaan

Bagong gusali para sa retired MPD cops, pinasinayaan

MAYROON nang sariling tanggapan at gusali ang mga retired members ng Manila Police District. Ito rin ang bagong tanggapan na magsisilbi sa bagong Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (MFRAI).

Inihayag ito sa isinagawang seremonya ng pagbabasbas bilang hudyat ng pagbubukas ng nasabing bahagi ng MPD UN Headquarters sa  United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Ang pagtitipon ay pinangunahan ng bagong halal na pangulo na si ret. P/Major Bonifacio V. Aporo kasama si dating MPD District Director Pedro Bulaong  at si 5th District Representative Irwin Tieng bilang panauhing pandangal.

Ang nasabing bahagi ng gusali ng MFRAI ay ipinangalan kay congressman Tieng na nagkaloob ng buong suporta para sa renbasyon at pagpapaunlad ng ng nasabing pasilidad.

Sinabi ni Aporo, dahil bago lang siya sa organisasyon ng mga retirado, nanawagan siya sa mga dating opisyal at hindi mga opisyal na magpalista at i-enjoy ang mga pribilehiyo na malapit nang maging  available para sa mga miyembro.

Ang mga banepisyo, ayon kay Aporo ay kinabibilangan ng free medical help, free medicines, hospitalization, at maging paglilibingan o burial place.

Para kay Cong. Tieng, sinabi niyang patuloy siyang susuporta sa mga nasabing retiradong  pulis sa MPD sa pamamagitan ng kanyang mga outreach program.

“Mula po noong bata ako marami nang naitulong sa pamilya namin ang MPD lalo na nga nang nasunugan kami at hindi nila kami pinabayaan kasi po ang negosyo ng pamilya namin noong nasunugan po ang aming warehouse ay mga kitchenwares at dahil po binantayan nila iyong lugar ay walang nakapasok na magnanakaw at mula noon naging malapit na kami sa mga MPD police,” pagbabalik-tanaw ng mambabatas.

Sa bahagi ni dating MPD Director (ret) P/Gen Pedro Bulaong, tanging papuri at pasasalamat ang maibibigay niya kay Tieng sa pagtataguyod ng Senior Citizen Bill at marami pang iba.

“Sana po Cong. Irwin balang araw lumawak ang serbisyo mo hindi lang sa 5th district kundi sa buong Maynila,” pahayag ni Bulaong. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …