Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira focus sa kanya-kanyang trabaho

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

LAST 2022 pa pala na shoot ang pelikulang Chances Are You And I na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Kira Balinger at sa direksiyon ni Catherine CC Camarillo. Ito ay kinunan sa South Korea na sobrang lamig daw. 

Sa naturang lugar ay nagigising si Kelvin ng 4:00 a.m.. Two houts before calltime para nga naman nagawa na niya ang mga dapat gawin at ready na sa shooting. 

February 2022 sila nag-shoot sa South Korea. Na-experience nila ang sobrang lamig na umaabot pa raw minsan sa -24 degrees celsius.

Very professional si Kelvin at mas tutok siya sa trabaho na ipinagkakatiwala sa kanya. 

Anyway, wala raw katotohanan na nagkaroon siya ng relasyon sa partner niyang si Kira. Never daw naging sila. 

Aminado si Kelvin na dahil sa trabaho ay naging close sila pero never na naging sila. Mas sa trabaho ang tutok ni Kelvin. 

Maski kami ay bilib kay Kelvin dahil sa dedikasyon niya sa kanyang trabaho. Bago-bago pa lang si Kelvin ay nakitaan na namin siya ng husay. Kaya naman sunod-sunod ang mga proyekto niya lalo na sa Kapuso Network. 

Kaya komportable sina Kelvin at Kira sa isa’t isa pareho silang focus sa trabaho.

Sa May 29 ang opening ng Chances Are You And I sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …