MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz ang pagrampa kasama ang walong anak sa Filipinxt (New Era Of Philippine Fashion) for Bessie Besana collections na ginanap sa Manhattan, New York, USA kamakailan.
Post nito Facebook account, “So overwhelmed joining ng 8 kids walking down the runway in Manhattan, New York, USA for Bessie Besana of FILIPINXT.”
“I can’t explain the feelings walking down the runway with my 8 kids in Manhattan, New York for FILIPINXT,” dagdag pa.
Nagkaroon din ito ng pagkakataong makilala ang artist na si Tyree Guyton at mabigyan ng pagkakataong magpinta sa kalye ng malaking bilog.
“Kakatuwa na meet namin ang artist-Tyree Guyton dito sa Detroit, Michigan at binigyan nya ako ng opportunity na mag paint sa road ng big circle. Sabi ko sa akin gusto ko may 8 kasi 8 ang kids ko! This paint will be here forever!!!,” masayang pagbabahagi ni Joel.
At nalagay din sa Billboard sa Times Square New York City ang Aficionado Germany Perfume na nagkaroon ng opportunity na ma-feature.