MATABIL
ni John Fontanilla
NAG-UUMAPAW sa kasiyahan si Manay Lolit Solis sa pagdalo ng kanyang mga kaibigan mula sa loob at labas ng showbiz sa kanyang 77th birthday.
Star-studded ang kanyang naging selebrasyon. Ilan sa mahahalagang tao sa kanyang buhay ang dumalo at nakisaya sina Kuya Boy Abunda, Alice Eduardo, Rhea Anicoche-Tan (BeauteDerm), Paolo Contis, Pauleen Luna kasama ang kanyang bunsong anak, Malou Choa Fagar, Lilybeth Resonable, Marivin Arayata, Benjie Paras, Christopher De Leon, Ton Ton Guttierrez, Gyldel Mercado, Maricel Soriano, Lani Mercado, Wilma Galvante, Butch Francsisco, Alfred Vargas, PM Vargas, Mr Fuatbp..
Sobrang na-touch si Manay Lolit dahil maraming mga kaibigan sa showbiz, high society at politics ang nakaalala sa kanya.
Post nga nito sa kanyang Instagram (Ako si Lolit Solis), “So grateful talaga na sa 77 years ko, kasama ko parin ang mga taong mahal ko at gusto ko. How lucky can you get di ba? Na tumanda ka napapaligiran ng mga taong mahal mo at gusto mo.
“Life was good to me, and God was so kind to give me this long, happy life I am enjoying now. Hanggang iyon buhay ko, the quality of life is still this good, and I will always be thankful and grateful. Salamat po mahal kong Diyos.”