Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
My Bae-Bi Boss Mar Soriano Mommy Dora Vincent Marcelo at June Mavaja

Mommy Dora bilib sa husay magdirehe ni Elsa Droga

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA ang actor & host na si Mar Soriano aka Mommy Dora sa kanyang bagong proyektong BL series na My Bae-Bi Boss na pinagbibidahan nina Vincent Marcelo at June Mavaja, written & directed by Elsa Droga.

Ginagampanan ni Mommy Dora ang role bilang si Ruffa G na masungit na assistant na mali-link kay  Carlo na ginagampanan naman ni Jayson Tan.

At kahit nga nagbida na sa ilang series ay okey lang na mag-support si Mommy Dora sa mga baguhang artist.

“‘Di naman sa akin big deal if bida o support ako sa series o pelikula na ginagawa ko. Kasi minsan din naman ako naging baguhan at sinuportahan ng mga nauna sa aking actors.

“Para sa akin kasi ang mahalaga may trabaho ako at nakatutulong ako sa mga baguhan.”

Pamilya ang turing nila sa isa’t isa at umaasa si Mommy Dora na mag-click ang young BL Series nila para magkaroon ng season 2.

Hopefully sana mag-click ‘yung ‘My Bae-Bi Boss’ para may season 2, basta promise maganda ito at napakahusay ng pagkakasulat at pagkaka-direhe ni Elsa Droga.”

Nagsimulang mapanood last May 18 ang first episode ng season 1 ng My Bae-Bi Boss at every Saturday, 8:00 p.m. naman ang upload nila ng bagong episode ng BL Series sa KKL Film Productions Youtube Channel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …