Wednesday , June 26 2024
2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

NAKOPO ng dehadong kabayo na si Ghost ang 2024 Philippine Racing Commission (Philracom) 1st Leg Triple Crown Stakes Race na tumakbo nitong Linggo ng gabi sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Bagamat huli paglabas sa aparato si Ghost na sinakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) – Jockey of the Year awardee John Alvin Guce habang naglalabanan sa unahan sina Worshipful Master at Bea Bell.

Nang sumapit sa kalagitnaan ng karera ay nasa hulihan pa rin si Ghost, nakihalo na si Batang Manda sa unahan kina Worshipful Master at Bea Bell.

Papalapit sa far turn ay nasa unahan pa rin si Worshipful Master habang hirap na makalampas sina Batang Manda, Bea Bell, at Added Haha.

Pagsapit ng huling kurbada ay umungos pa si Worshipful Master ng tatlong kabayo habang pilit na kumakapit nina Batang Manda at Bea Bell.

Sa huling 150 metro ng karera sa rektahan ay tinawag na ng race caller si Ghost na nasa bandang labas pero nasa tatlong kabayo pa rin ang bentaha ni Worshipful Master.

Nagsumikap si Guce sa pagremate, malalakas na hataw ng latigo ang pinatama ni Guce kay Ghost kaya sakto ang dating ng kabayo sa meta.

Dikit lang nagkatalo, nanalo si Ghost ng nguso ang pagitan sa pumangalawang si Bea Bell, tersero si Batang Manda habang pang-apat si Worshipful Master.

Itinala ni Ghost ang tiyempong 1:42 minuto sa 1,600-meter race sapat upang hamigin ng owner nito ang tumataginting na P1.5 milyong premyo habang napunta ang P562,500 sa may-ari ng pumangalawang si Bea Bell sa event na inorganisa at suportado ng Philippine Racing Commission  (Philracom) sa magiting na pamumuno ni Chairman Aurelio P. De Leon. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

SWIM BATTLE SLP Feat

Sa Internasyonal at sa Filipinas
750 PLUS SWIMMERS HUMATAW SA THE SWIM BATTLE – 6th ANNIV SWIM MEET (1st of 3)

MATAGUMPAY ang isinagawang The SWIM BATTLE – 6th Anniversary Swim Meet (1st of 3) ng …

Jalosjos chess tournament

Bernil nagpakitang gilas sa Jalosjos chess tournament

Dapitan City, Zamboanga del Norte — Muling nagdala ng karangalan si Noel “Nonoy” Bernil, Jr., …

Jamesray Mishael Ajido Jasper Mojdeh

Ajido, Mojdeh brothers nanguna sa MOS awardee ng PAI National Championships

PINANGUNAHAN nina Asian junior record holder  Jamesray Mishael Ajido at magkapatid na Mohammad at Jasper …

2nd Gov Henry S Oaminal chessfest

2nd Gov. Henry S. Oaminal chessfest sumusulong na

Clarin, Misamis Occidental — Susubukan muli ng mga nangungunang manlalaro ng chess ng bansa ang …

Eric Buhain Chito Rivera Jamesray Mishael Ajido

PAI National Age-Group Championships sisimulan sa pagpupugay kay Rivera

NAKATAKDANG lumarga ngayong araw, Biyernes, 21 Hunyo, ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 1st National Age …