Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diwata Mystica

Diwata tinawag na papansin at laos si Mystica

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naibigan at na-beastmode ang viral pares vendor na si Diwata sa panlalait sa kanyang paresan ng dating mang-aawit na si Mystica.

Sa vlog ni Diwata ay sinagot ang patutsada ni Mystica na kesyo lumalaki na ang kanyang ulo.

Nauna rito, tinawag na dugyot ni Mystica ang mukha at paresan ni Diwata.

“‘Yung itsura ni Diwata ngayon nandidiri na sa mga taong gustong magpa-picture sa kanya, kitang-kita na ‘yan sa videos online.

Iba ang trato niya sa mga bumibili ng pares niya na talagang sumusuporta sa kanya pero kapag siya ang bibigyan ng blessing todo asikaso siya buong araw.

“Alam ko, napansin n’yo rin na balewala na ‘yung mga taong pumila at kumakain sa paresan niya, ang bilis niyang nagbago, paano pa hahanga ang tao sa kanya kung ganoon siya? Akala mo kung sino na siya na hindi na maabot!,” ani Mystica.

“Unahin mo ang sanitation at kalinisan ng mga kumakain sa iyo, ‘yun ang dapat inaasikaso mo, hindi ang mangbara ng mga taong ikaw naman talaga ang pinunta, hindi ang pares mo.

“Hindi niya alam na ito ang magpapabagsak sa kanyang nilalangaw at dugyot na ugali, dugyot na katawan at pagmumukha at dugyot na paresan!” dagdag pa singer.

Sinagot naman ito ni Diwata sa pagsasabing hindi importante sa buhay niya si Mystica, kaya ayaw niyang patulan ang pagpapansin nito dahil laos na ito.

Nakikisakay lang daw ito sa kanyang kasikatan, imbes daw na patulan ito ay mas gusto na lang nitong tutukan a kanyang negosyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …