Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABIL
ni John Fontanilla

KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, You and I na mapapanood sa May 29 sa mga sinehan nationwide, very honest na sinabi ng aktres na may na-feel siyang something sa aktor.

Pag-amin ni Kira, “Mayroong kaunti, siyempre. Very charming naman si Kelvin and like I said a while ago, nature of our movie was a love story. 

“We have to interact in such a way na nakaka-fall talaga.

“Hindi naman ako puwedeng magsinungaling sa inyo, dahil tingnan niyo naman si Kelvin, ang pogi niya!”

Ayon naman kay Kelvin, sa tanong na kung posible bang mauwi sa  tunay na buhay ang kanilang pag-iibigan tulad ng nangyari sa pelikula?  “Only time will tell, ‘di ba? Kung magkaroon man kami ulit ng pagkakataon na gumawa ng movie ulit.

“Mas magiging madali na `yon sa amin, kasi mayroon na kaming pinagsimulan.

Hindi naman sarado ang pintuan. Ayoko na ring isipin ang masasamang bagay. Ang importante rin ngayon, nandito kami, maayos kami. Friends pa rin kami.”

Maraming press people ang kinilig nang mapanood ang teaser ng kanilang pelikula na pare-pareho ang sinasabi—bagay sila, na ‘di naman malayong mangyari lalo’t pareho silang single.

Anyway muli, mapapanpod na sa mga sinehan nationwide ang Chances Are, You And I simula May 29, mula sa Pocket Media Productions, in partnership with Happy Infinite Productions and Pocket Media Films, and to be distributed by Regal Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …