MATABIL
ni John Fontanilla
LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa City, Batangas ang maglalaban-laban para masungkit ang korona at tanghaling Ms. Lipa Tourism 2024.
Bitbit ng 15 candidates ang kanilang angking ganda, talino, at adhikain na mas ma-promote ang turismo ng Lipa City, Batangas sa pamamagitan ng slogan ng bayan na: Eat, Pray, Love Lipa.
Ayon sa presidente ng Lipa Tourism Council at CEO ng Bigben Complex na si Mr. Joel Umali Peña sa ginanap na presscon, isinusulong nila ang tourism campaign na Eat, Pray, Love Lipa para mas makilala ang kanilang napakagandang bayan na hitik ng mamagandang lugar, masasarap na pagkain, at magagandang establisimyento at simbahan, ‘di lang sa buong Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
“In behalf of Mayor Eric Africa, our Council Tourism Council and councilor Vinece (Manalo) at ng mga taga-Lipa, kami po ay masaya kasi po, ang aming future na nilo-look forward, ay ang pagpo-promote talaga ng aming hashtag or ang aming tourism campaign na Eat, Pray, Love Lipa. Gusto namin mapakita sa mga kababayan namin at sa buong mundo na kami ay happy dito, Eating, Praying and Loving.
“Explain ko po ng further, ang ibig sabihin ng #Eat,Pray,Love na actually po ay galing sa ama ng bayan na si Mayor Eric Africa na gustong-gusto namin i-promote. Si kapag tinanong kami ng mga bisita at masasayang Lipeño, ano nga ba ang mga mapupuntahan sa Lipa? O anong magagawa?
“Dati po ay litong-lito kami, matagal na po ako sa tourism kaya napakadali na nitong sagutin. Aba! you can eat in Lipa, we have this Lomi, ‘yung goto. Tandaan niyo po sa Pilipinas at sa buong mundo as in life time. Until now, kami po ang legit na coffee capital of the Philippines.
“Bukod sa marami pong makakainan sa amin, puwede rito ang mga national brand at saka mga local, and then of course you can pray. Mayroon na kaming nickname na we are the little Rome of the Philippines and hindi lang po ‘yun inclusive. Hindi po namin isinasantabi ang aming mga kapatid sa pananampalataya na Muslim, Iglesia ni Kristo, at mga Christian. Kami po ay isang dambana ng pananampalataya kung ano man po ang iniisip nila sa Diyos.
” At ang huli po ay Love, sa Eat, Pray Love Lipa, ino-offer po namin na mayroon po kaming world class shopping center like national branch ng SM at Robinsons, at ‘yung malilit pong local, community and street malls, mayroon din kaming mga tindahan, at ‘yung pinagmamagaling naming sobra kung saan po kami namulat, ay sa amin pong Lipa City Market, ipinagmamagaling po namin ang aming palengke.
“At marami po kaming health and wellness centers, kagaya ng world class na Farm at San Benito etc.. I-google po niyo marami po kayong mapupuntahan dito, huling-huli po sa love aspect ay nandirito po ang aspect na bonding with family and friends at actual na bigay ni Lord na mayroon po kaming Taal Lake ng Lipa City. Makikita niyo ‘yung Taal Volcano in the lake at Malaraya Hill sa aming napakasariwa at malamig na hangin.
“So yun po, Eat, Pray, Love Lipa . Were looking po sa mga project namin na naka-anchor sa Eat Pray, Love Lipa, foundation day, fiesta. Sa October naman ang Lipa Anniversary at mayroon pa kaming pinagmamagaling, kasi ‘yung People Power na sa inyong pagkakaalam ay original ng Lipa noong kapanahunan ng mga Kastila, i-google niyo po ‘yan at makikita niyo,” mahabang esplika ni Joel.
Nagsisilbing tahanan rin ang Lipa ng ilang maniningning na bituin sa telebisyon at pelikula like Boy Abunda, Nino Muhlach, Aga Muhlach, John Prats, Sharon Cuneta, Coco Martin, Tirso Cruz III, Gretchen Barretto na may mga rest house at ang iba ay may negosyo sa Lipa.
Kasama rin sina Star for All Seasons na si dating Lipa Congresswoman Vilma Santos, Luis Manzano, Senator Ralph Recto, Jayson Gainza, Alex Gonzaga na asawa ng butihing Lipa Councilor Michael Gerald Morada, Howie Severino at marami pang iba.
Ang Miss Lipa Tourism 2024 ay pinangungunahan ni Mayor Eric B. Africa,
Honorary Chairman Councillor Venice Manalo, Aylene Gante Acorda, OIC Tourism
Lipa Community Affairs (LGU), at Luisito Nario, LTN Productions Private, Project Director.
Ang 15 candidates na maglalaban-laban sa korona ay sina Charlene Mendoza (Brgy. Sto Niño), Jorg Daniela Macalincad (Brgy. 3), Joyce Carmela Angedan (Dagatan), Patricia Basañes (Sabang), Clarissa Daniella Ching (Tambo), Maricon Anne Bautista (Sico), Kate Danielle Morales (Sabang), Angela Nicole Araña (Banay-Banay), Ma Gweyneth Padilla (Balintawak), Louvel Joyce Leal (Marawoy), Joey Anne Chavez (Sampaguita), Patricia Ann Gonzales (Lodlod), Bless Hermie Lamang (Tambo), Abegail Caraig (Rizal), at Athea Francesca Manigbas (Bagong Pook).
Ang coronation night ay gaganapin sa June 15, 2024.