Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leandro Baldemor

Leandro na-guilty may gustong ihingi ng tawad

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naiwasang ma-guilty ni Leandro Baldemor sa isang karanasang ‘di niya makalilimutan noong mga panahong nagho-hosto pa siya sa Japan.

Kuwento ni Lenadro sa isang interview na isang trans na may-ari ng club sa Japan ang nagbigay sa kanya ng sandamakmak na regalo, pero ‘di nito nagawang pagbigyan.

Pakiramdam ni Leandro ay nag-take advantage siya rito kaya naman ngayon ay humihingi ito ng paumanhin.

Sa dami ng ibinigay niya sa akin, nakapagpasalamat ako in a way. Pero ‘yung mag-sorry kasi napakaraming ibinigay sa akin—relo , 200 grams na kuwintas, bracelet, suit!

“Actually, hindi ko naman siya pinilit. Siya mismo ang nag-offer. Sabi niya sa akin, ‘Kung anuman, walang kapalit ito. Basta pinuntahan kita riro.’ Ganoon kabait ‘yung tao kaya gusto kong mag-sorry.

“(Pero) hindi ko siya mahanap. Sabi ko sa mga ami-amiga niya, ‘Nasaan na si ano?’ Kasi nagpunta kami sa Shinjuku noong nakaraan, kami ng asawa ko.Tinanong ko si Mama (dati niyang manager), ‘Nasaan si Mommy?’ ‘Hindi na active.’ Hindi na raw active pero okay naman ang buhay niya,” sabi pa ni Leandro at sinabing gusto niya muling makita ito para humingi ng tawad at para magpasalamat  na rin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …