ni Ed de Leon
TANGGAP na ng isang male starlet na siya ay boytoy na ng mga kaibigan niyang bading. Nakukuha naman niya sa kanila ang lahat ng luhong gusto niya, natural kailangang palitan niya ang lahat ng kanyang nakukuha. Hindi lang isa kundi isang grupo ang mga bading na nagpapasa-pasa sa kanya. Wala namang gulo sa mga bading, basta sa kanila they take turns sa poging male starlet.
Kung sabihin nga nila ang male starlet ay “corporation nila,” ibig sabihin talagang magkakasosyo sila sa kanya. Pero kung minsan suma-sideline pa raw ang male starlet sa ibang mga bading at matrona basta malaki ang idadatung sa kanya.