Sunday , December 22 2024
Vilma Santos

Ate Vi muling pinatatakbo ng mga taga-Batangas, Ryan hinihikayat din

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGA palang mahigpit ang petisyon ng mga Batangueno kay Ate Vi (Ms Vilma Santos) na muling tumakbo bilang governor ng Batangas. At ang sinasabi raw sa kanya maging ng mga local na opisyal “pumirma ka lang sa certificate of candidacy, kami na ang bahala. Wala ka nang iintindihin. Ni hindi mo kailangang mangampanya,” sabi pa raw sa kanya.

Pero pinag-iisipan pa rin daw iyon ni Ate Vi, at idinadasal niya sa Diyos na ituro sa kanya kung ano ang dapat gawin.

“Hindi naman puwedeng wala akong gagawin. Natural basta nandoon ka na ikaw din ang haharap sa lahat ng trabaho. Hindi ka puwedeng umasa sa iba. Kailangang masiguro mong tama at malinis ang ginagawa nilang proyekto,” sabi ni Ate Vi.

Ang isang example ay noong ipalinis namin ang Taal lake. Nalaman ko sa BFAR na sobra na ang mga naglagay ng fishpens, bumababaw na ang lake, at pati kalidad ng aming isda ay nasisira na. Siyempre kumilos agad ako, sinabihan namin ang mga may illegal na fishpens na illegal sila at kailangan silang umalis. Nagdatingan na pati ang mga foreign investor nila sabi ko naman, bibigyan ko sila ng pagkakataaon na ma-harvest pa kung ano ang inilagay nila roon pero pagkatapos niyon aalis na sila. Noon talaga binigyan ako ng isang malaking brown envelope talagang malaking suhol pero sabi ko nga wala akong magagawa kailangang masunod ang batas.   

“Hindi kami dapat makuha sa mga suhol. Nagalit sila sa amin, pero nalinis namin ang Taal, ang naiwan lang ay iyong legal. Napalaliman ang lake at doon nagsimula iyong fluvial procession namin sa Taal lake, dala namin ang imahen ng mahal na birhen dala rin ni Archbishop Arguelles ang blessed Sacrament sa paligid ng lake at naging mapayapa ang lahat, umayos ang kabuhayan at hindi pumutok noon ang Taal. Noon kasi iyon lang ang lagi kong idinadasal na sana huwag sumabog ang Taal sa panahon ng panunungkulan ko. Alam ko kung gaano kalaking pinsala ang idinudulot ng pagputok ng Taal sa lalawigan ng Batangas. Kaya hanggang maaari ay huwag naman sana. Awa naman ng Diyos hindi nga pumutok ang Taal sa siyam na taong panunungkulan ko bilang gobernador ng Batangas,” sabi ni Ate Vi.

May tao rin na nagsasabing next elections si Lucky daw ay maaari na ring tumakbo o kaya si Ryan. 

Si Lucky sinabihan ko iyan na ‘kung gusto mong pumasok sa public service, kalimutan mo na ang malaking kita mo bilang artista at host. Hindi mo kikitain iyan bilang isang public official.’ Nakikita naman niya eh, iyon ang panahon mas malaki ang binabayaran niyang tax kaysa akin mas malaki kasi ang kita niya. Si Ryan naman sinabihan na rin ng daddy niya. He cannot run in the next election because he has to serve as Secretary of Finance until the end of the administration. 

“Tinatanong siya ng daddy niya kung ok ba sa kanya para mapagbigyan lang ang mga tao sa Batangas na may isang Recto na manunungkulan. Bata pa naman si Ryan eh, hindi pa sanay iyan, pero lately siya ang ipinadadala namin sa mga project na siya ang nakikipag-usap sa mga kapitan ng barangay and it seems he’s enjoying it. Pero hindi mo pa masasabi kung willing nga siya pagdating ng araw. Iyong mga nakakausap naman niya ang sinasabi sa amin kumbinsihin na raw namin si Ryan na tumakbo sa eleksiyon, pero sabi nga namin hindi kami ang magde-decide niyon dapat siya mismo,” sabi ni Ate Vi.

Pero paano na ang sinasabi niyang pagiging aktibo niyang muli sa pelikula?

Gagawa lang naman ako ng pelikula kung may magustuhan akong project. Hindi na kagaya noong araw na iyan ang hanapbuhay ko. Hindi ko na rin naman kaya iyong gaya noong dati, hindi na ako 25 years old. Ang mga Vilmanian lang naman ang pilit nang pilit na gumawa ako ng pelikula pero ang totoo gusto ko naman ma-enjoy ang buhay ko,” sabi ni Ate Vi.

Kagaya nito, makakapagkuwentuhan ba tayo ng ganito kahaba kung may ginagawa akong pelikula o may trabaho ako sa kapitolyo? Natural hindi at itong mga bagay na ito na matagal kong na-miss ang gusto kong ma-enjoy naman,” sabi pa ni Ate Vi.

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …