Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Krissha tinabihan ng multo sa kama

RATED R
ni Rommel Gonzales

NARANASAN na pala ni Krissha Viaje na multuhin.

Si Krissha mismo ang nagkuwento nito, na noong bata pa siya ay nakatira sila sa isang bahay sa Quezon City.

Dalawa ang kuwarto sa bahay nila. Sa isang kuwarto ay doon siya natutulog kasama ang mommy niya at brother niya. Sa kabilang kuwarto naman ay naroroon ang sister ni Krissha at lola niya.

Isang gabi raw ay lumipat sa kuwarto nila ang sister niya at doon nakitulog.

Eh ang sikip na namin, solo ‘yung bed niya sa kuwarto ng lola ko, tig-isa sila ng lola ko. Kami isang kama lang.

“So sabi ko ‘sige roon na lang ako matutulog sa kuwarto mo, ako na lang sa kama mo.’

“Hindi ko alam kung anong oras na, naalimpungatan ako, nakakumot ako, nakita ko nandoon siya sa paanan  ko.

“Buhok niya ‘yung nakita ko, ‘Akala ko matutulog ito sa kabila? Lumipat pa rito eh, masikip na nga.’

“So natulog ako ulit. Paggising ko sa umaga wala na naman siya roon. Pumunta ako sa kabilang kuwarto kasi medyo kinabahan din ako.

“Kasi sure ako, may nakita akong ulo sa paanan ko.”

At ang shocking, noong nakausap na ni Krissha ang kapatid ay sinabi nitong never itong bumalik sa kuwarto nila ng lola niya para tabihan si Krissha.

Kaya relate si Krissha sa katatakutang serye nila ni Jerome Ponce, ang Sem Break ng Viva One.

Bukod kina Krissha (bilang si Mich) at Jerome (bilang si Arlo), nasa cast din ng Sem Break sina Aubrey Caraan (bilang Cora), Hyacinth Callado (bilang Jessie), Gab Lagman (bilang Pipo), Keann Johnson(bilang Timmy), Dani Zee, Rose Van Ginkel, at Felix Roco.

Sa direksiyon ni Roni S. Benaid, ang season premiere nito sa Viva One ay magsisimula ngayong May 10, 2024 at may fresh episode tuwing Biyernes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …