Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Rico Yan

Claudine iginiit never sinaktan ni Rico

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Claudine Barretto sa vlog ni Ogie Diaz, inamin niya na magka-live in sila noon ng namayapang aktor na si Rico Yan at noong November 2001 nang hindi na naging maayos ang kanilang relasyon. Ito ay ilang buwan lang bago ang pagkamatay ni Rico noong March 2002.

Nilinaw din niya na hindi totoo ang balitang sinaktan siya noon ni Rico.

“Hindi totoo na sinaktan ako ni Rico o naging violent siya. ‘Yun ang gusto kong iklaro. Never. Hindi naman siya perfect, hindi ako perfect.Nagsigawan kami pero hindi umabot sa nananakit. Hindi siya ganoon,” paniniyak ni Claudine.

Aniya, noong panahong namatay si Rico ay marami ang kumukondena sa kanya at sinisisi siya sa pagkamatay ng dating matinee idol.

“Noong time na parang kinu-crucify at galit na galit ‘yung tao at sinasabi na ipinagpalit ko si Rico, alam ng Diyos, mawala na lahat ng taong mahal ko pero never kong niloko si Rico,” umiiyak na sabi ni Claudine.

Pagpapatuloy pa niya, “Kung ako ‘yung namatay, ganoon din ba ang gagawin n’yo kay Rico? ‘Yun din ba ang pagdaraanan niya? Kasi ayokong mapagdaanan n’ya ‘yung napagdaanan ko.”

At ang hindi raw alam ng mga tao, noong mga panahong panay ang sisi sa kanya ng madla ay sinisisi niya rin ang sarili sa mga nangyari.

“During that time na sinasabi nila na kasalanan ko, ang hindi alam ng tao, ako rin, sinisisi ko rin ‘yung sarili ko,” lumuluhang sabi ni Claudine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …