PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
UMAPIR na sa Senado si Maricel Soriano kahapon, Martes, May 7, sa Senate hearing tungkol sa PDEA Leak na kumalat sa mga socmed.
Napaka-eskandaloso nga ng mga naglabasang tsika tungkol dito dahil droga among high ranking officials at na-involve nga ang magaling na aktres bilang isa sa mga umano’y personalities na nasangkot kaya’t napasama raw ito sa PDEA lists noon.
Naku, sure kaming magkakaroon ng mas malaking usap-usapan tungkol dito kaya’t aabangan natin iyan mga ka-Hataw.