Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anthony Davao Angela Morena Irish Tan Bobby Bonifacio

Irish Tan wasak ang puso, lalaking pakakasalan sana may asawa na pala

RATED R
ni Rommel Gonzales

GUMAGANAP na babaeng guwardiya si Irish Tan (bilang si Meryl) sa pelikulang Lady Guard ng Vivamax.

At sa tanong kung ano ang nais niyang bantayan sa kanyang buhay o sa kanyang sarili, may masakit na rebelasyon si Irish.

Lahad niya, “Para sa akin po siguro ang iga-guard ko is ‘yung puso ko, kasi sobrang dami ng napagdaanan at saka kailangan na talagang protektahan, damaged na damaged na po.

“Sa ex-boyfriend po. Almost ikasal na po ako kaso palpak pa rin po pala. Dapat ikakasal na ako last year kaso ayun, kasal na pala siya sa iba!

“Kaya sobrang… parang feeling ko, hindi ko alam kung tanga ba ako or what.

“Siguro next time iga-guard ko na mabuti ang puso ko.

Siguro si Anthony na po,” ang sagot naman ni Irish na ang tinutukoy ay ang male lead sa Lady Guardna si Anthony Davao na gumaganap naman bilang si Janus.

Papayag si Irish na mamasukan bilang lady guard sa tunay na buhay sakaling iyon na ang nag-iisang trabahong maaari niyang pagkakitaan.

For me siguro kakayanin. Kasi as long na wala ka namang tinatapakang tao at saka marangal naman po iyang trabahong iyan why not, ‘di ba, kung iyan lang ang option na mayroon ka.”

Ang Lady Guard ay idinirehe ni Bobby Bonifacio, Jr..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …