Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Javier

Sarah Javier sunod- sunod parangal sa ibang bansa 

MATABIL
ni John Fontanilla

EVERYTHING falls into the right place para sa singer-actress na si Sarah Javier. Super blessed ang beauty queen/ actress dahil sunod-sunod ang parangal na tinatanggap nito ngayong 2024.

Isa na ang iginawad sa kanya sa 6th edition ng  Amer-Asia Award na hinirang siyang  Ms. Amer Asia Tourism 2024 na ginanap sa Celebrity Centre Hollywood California,  USA kamakailan.

Wagi rin siya bilang Female Acoustic Artist of the Year sa 15th Star Awards for Music para sa kanyang awiting Happy Anniversary na mula sa kanyang komposisyon.

At sa May 18, gagawaran naman siya sa Amerika Prestige Awards ng Outstanding Singer, Songwriter Actress and Beauty Queen of the Year na gaganapin sa Celebrity Centre International Pavilion Los Angeles, California, USA.

Nakatakda ring i-release ang bago niyang single na siya ang nag-compose, ang Pantay Na Pag-Ibig.

Sa tuloy-tuloy na suwerteng dumarating sa kanya ay buong pusong pasasalamat ang gusto niyang ibigay sa kanyang pamilya, sa mga sumusuporta sa kanya, at sa mga taong tumutulong sa kanyang career, higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nagbigay sa kanya ng talento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …