Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
CJ Navato Nicole Omillo

CJ Navato at Nicole Omillo ilang beses naghalikan sa isang musical play

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI lang pala mahusay umarte kundi napakahusay ding kumanta ng Goin’ Bulilit alumni at Kapamilya artist na si CJ Navato.

Sobrang napa-wow! kami sa ganda ng boses nito na sinabayan ng husay na pag-arte sa pinag-uusapan at laging sold-out na musical play na One More Chance.  

Nagkataon na nang manood kami nito kapartner niya ang napakaganda at napakahusay ding kumanta at umarte na si Nicolle Omillo.

Ang play ay hango sa blockbuster movie nina Bea Alonzo at John Loyd Cruz at katulad ng pelikula, napakahusay din ng pagkakagawa ng play.

Wala rin itong keber sa kung ilang beses naghalikan sila ni Nicole at sa pagpapakita ng kanyang magandang katawan sa entablado na nagpakilig sa mga beki at babaeng nanood.

Katulad ng napapabalita, nagkakaubusan o laging sold out ang ticket sa halos araw-araw na pagpapalabas nito na saksi kami sa dami ng taong nanonood.

Kaya naman kailangan  niyong panoorin ito or else baka magsisi kayo dahil napakaganda, kikiligin ka, iiyak at tatawa at mai-in-love sa magagandang awitin ng Ben and Ben na bumagay sa istorya nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …