Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diwata Vice Ganda

Diwata baka makatalo sa kasikatan si Vice Ganda

HATAWAN
ni Ed de Leon

ISIPIN ninyo iyong nagtitinda lang ng pares sa halagang P100, na nagbibigay ng unli rice at unli soup tapos may libre pang palamig na sumikat sa internet dahil sa mga lumabas sa social media eh nakuha na palang artista ngayon ni Coco Martin. Ewan kung nakatulong naman doon kay Diwata ang pagiging artista dahil mas napapansin siya ngayon. Pati ang mga lumang kaso niya nahahalungkat. Pinipintasan na rin ang tinda niyang pares na hindi raw masarap. 

Eh ano nga ba ang aasahan ninyo sa P100, unli rice, unli soup at may palamig pa? Umaasa pa ba kayong masarap iyan at iniluto ng isang magaling na kusinero? Ang kantiyawan nga ngayon nag-artista pa raw kasi eh hindi na lang binantayan ang nagluluto ng kanyang pares. 

At ano nga ba ang dahilan at napagtripan naman ni Coco na gawing artista si Diwata eh ang dami nang bakla sa ABS-CBN. Iyong iba nga ay wala nang trabaho dahil wala silang prangkisa at nalulugi na ang network ng daang milyon sa bawat buwan, tapos sa halip na bigyan nila ng trabaho ang mga tauhan nila ni-recruit pa nila pati iyong tindero ng pares at ginawang artista. Kung sa bagay, hindi mo masabi ang kapalaran hindi ba ganyan din ang tanong nila kung bakit pinulot pa sa comedy bar si Vice Ganda noong araw? Malay ninyo baka si Diwata ang makatalo kay Vice Ganda dahil bukod sa pagpapatawa, marunong din siyang magluto ng pares.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …