MATABIL
ni John Fontanilla
LIBO-LIBONG tao ang nanood ng show ng pinakasikat na all female group sa bansa, ang BINI sa Dagupan City, Pangasinan para sa taunang Bangus Festival.
At dahil halos magsiksikan sa dami ng tao at sa sobrang init ay ‘di maiwasang mahimatay at mawalan ng malay.
Pero mabilis namang inasikaso ang mga nahilo at nawalan ng malay ng medical offficers at volunteers, kaya nasa maayos naman ang lahat.
At nang malaman ito ng mga miyembro ng BINI ay nag-post ang mga ito sa X (Twitter) ng pagkabahala at pasasalamat na rin sa mga taong nanood.
“Maraming salamat Dagupan! Sana safe kayong nakauwi lahat. Sobrang saya naming makita kayo pero nakalulungkot lang din na may mga ganoong nangyari kanina. Salamat sa pagmamahal at sana sa mga susunod na ganap, unahin natin ang safety ng bawat isa,” ani Jhoanna Robles.
“Please hydrate everyone iba ang init ngayon see you sa susunod na ganap blooms!
“[we] don’t want to cause any harm,” ani Colet Vergara.
“It breaks my heart to hear and see that people were affected by the heat and exhaustion,” sabi naman ni Aiah Arceta.