Sunday , December 22 2024
Mura Allan Padua sunog

Mura nasunugan, sa waiting shed ngayon naninirahan

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAKLAP ang buhay na tinatahak ngayon ng dating komedyante na si Mura nang masunog ang kanilang tinutuluyang bahay noong Lunes, 9:00 p.m. sa  Brgy. Tupas, Ligao City, Albay.

Kuwento ni Mura (Allan Padua sa totoong buhay) pinauusukan ng ama ang silid pero nadilaan ng apoy ang kurtina na dahilan ng sunog na tumupok sa kanilang bahay.

Wala namang nasaktan sa kanila, pero wala silang naisalba ni isa mang gamit. 

Ngayon ay namamalagi si Mura sa isang  waiting shed malapit sa kanila kasama ang matandang ama at mga pamangkin.

Kaya naman nananawagan ng tulong sa publiko si Mura para mayroon silang maisuot, makain, at muling makapagpatayo ng bahay na

matitirahan.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …