DREAM come true para sa actor/ It’s Showtime Online host na si Bidaman Wize Estabillo ang pagwawagi sa PMPC’s 15th Star Awards for Music para sa kategoryang New Male Recording Artist of the Year para sa awiting Mekaniko ng Pusomula sa komposisyon ni Ace Dyamante at ini-release ng Star Music at Old School Records.
Ayon kay Wize, “Noong ma-nominate ako, sabi ko sa sarili, ‘okey na ‘yun,’ kasi ma-nominate ka lang sa PMPC Star Award malaking achievement na kaya ‘di na ako umaasang mananalo at happy na ako roon.”
Pero laking gulat nito nang sabihin sa kanya na nanalo siya. “Nagulat ako, ‘di ko expected na mananalo ako. Sabi ko nga sa sarili ko dream come true, kasi pangarap ka talaga na manalo sa Star Awards. Kasi sino ba namang artist na ‘di nangarap na manalo sa Star Awards, kaya sa pamunuan ng PMPC Star Awards, maraming-maraming salamat.
“Salamat din sa composer ko kay Ace Dyamante, sa Star Music, Old School, sa ‘It’s Showtime’ family ko, sa management ko, sa mga supporter ko, sa Ka Fam at higit sa lahat sa family ko.”
Post nito sa kanyang Facebook, “15th PMPC Star Awards for Music – New Male Recording Artist of the Year for the song Mekaniko ng Puso. Thank you PMPC for this recognition and to all the people who made this possible. Composer: Ace Dyamante, Producers: Kiko Kikx Salazar, Old School Records, Star Music PH
Special thanks to my Showtime Online U and It’s Showtime fam, B.C. Artist Agency, Polaris-STAR MAGIC, Family, friends and of course to our Almighty God.”
After winning ay nagbabalak si Wize na mag-record ng isa pang kanta bago matapos ang taon.