Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ysabelle Palabrica Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Ysabelle Palabrica hinangaan husay sa concert nina Rachel, Hajji, at Gino

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang katatapos na major OPM concert,  Noon at Ngayon sa New Frontier noong Abril 21 nina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, at Gino Padilla, na naging espesyal na panauhin ang newest recording artist na si Ysabelle Palabrica.

Isa sa nga pinag-usapan ng gabing iyon at talaga namang pinalakpakan ay ang performance ng 15 years old na si Ysabella, na inawit ang kanyang first single na Kaba na mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno at unang inawit ni Tootsie Guevarra.

Kitang-kita ngang pinaghandaan nitong maige ang kanyang performance with back up dancers na sobrang naibigan ng mga taong nanood.

Post nga nito sa kanyang facebook page (Ysabelle Palabrica), “My 1st ever concert at New frontier Theater in Araneta, Quezon City will always be memorable to me.

I met all these  stars that represented their generations from 70’s Mr. Hajji Alejandro, VST, Hagibis, Boyfriends, Ms Rachel Alejandro of the 80s, Mr Gino Padilla of the 90s, Kris Lawrence of Millenials  and with Me and Krayz-X  of the GenX. Till next concert….. “

Si Ysabelle ay suportado ng kanyang mga magulang na sina Mark Palabrica, alkalde ng bayan ng Bingawan ng Iloilo at JeAn Magno Palabrica na may-ari at tagapangasiwa ng isang pribadong paaralan, ang Centerphil Montessori na may mga Campus sa Iloilo at Bacolod City.

Nakasama rin ni Ysabelle sa Noon at Ngayon concert sina Rigor ng VST & Company, Carlo Parsons,at Pete Galera ng Hagibis, Nitoy Malillin ng Abracadabra, John Raymundo ng Tawag ng Tanghalan, Edwin Cando ng Tawag ng KampeonGeoff Taylor, Mia Japson, Arabelle de la Cruz, Rachelle Gabreza, Kyle Macaranas, Floid Gonzales, Sandra Nichole Mitchel, Harris Kumar, Harpreet Kumar, Mika Pardo,at Krayz-X Dancers.

Si Ysabelle ay alaga ni Audie See na siyang nagpasikat noon sa  magkapatid na Cherry Lou at Cherry Gal ng the Cherries atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …