MATABIL
ni John Fontanilla
WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla na nagdiwang ng kaarawan last April 26.
Maraming taga-suporta nila ang nag-aabang kung babatiin ba ni Kathryn si Daniel sa kanyang social media accounts, pero natapos ang araw bigo ang kanilang mga tagahanga dahil walang pagbati mula kay Kathryn.
Kaya malungkot ang kanilang mga tagahanga na umaasa pa rin na maaayos ang gusot na namamagitan sa dalawa at muling maibabalik ang magandang pagsasamahan.
Samantalang binati naman si Daniel ng kanyang malalapit na kaibigan, tagahanga, at pamilya.