RATED R
ni Rommel Gonzales
ANG bagong pelikula nina Heaven Peralejo at Marco Gallo na Men Are From QC, Women Are From Alabang ay tungkol sa long-distance relationship.
Dahil nga magkalayo ng tirahan, sina Aico (Heaven) na taga-Alabang samantalang si Tino (Marco) na taga-Quezon City ay masusubok ang pagmamahalan.
Pero mismong si Heaven ay hindi naniniwala na hadlang ang malayong distansiya para maging matagumpay ang isang relasyon.
Lahad ni Heaven, “Kaya naman, alam mo kayang mag-work. Basta kapag mahal mo ‘yung tao kaya niya, ‘no? So kahit gaano kalayo kahit gaano kahirap ‘yung pinagdadaanan, as long as happy ‘yung tao magwu-work iyon.
“I think distance should not be a hindrance in any relationship. Iyong LDR kaya naman, kaya naman siyang mag-work. Basta mahal mo iyong tao. Kaya lahat, kahit gaano kalayo,” paliwanag niya.
Agree si Marco kay Heaven, aniya, “It’s so true. It doesn’t really matter because the chemistry between two people is more important, as long as you can communicate, Facetime or video call, it doesn’t matter how far they are.”
Dahil sa makabagong teknolohiya ay madali nang lunasan ang suliranin ng magkalayong lugar ng dalawang taong nagmamahalan.
“With the advent in technology, there are many ways to connect, so I think it should not be a problem also,” ani Marco.
Pareho silang hindi pa nakaranas ng LDR.
“Sa akin, walang distance sa past ko. Also because as a person medyo clingy ako…I also want space,”say ni Heaven.
Alam naman ni Marco na magastos ang LDR kaya nagpapaka-praktikal lang siya.
Showing na ngayong May 1 ang Men Are From QC, Women Are From Alabang na idinirehe ni Gino Santos at mula sa Viva Films at Sari Sari, MQuest Ventures, Studio Viva, at Epik Studio.
Pagkakapareho sa mga karakter na ginagampanan
ANO ang pagkakapareho ng mga karakter nina Heaven at Marco sa pelikula nilang Men Are From QC, Women Are From Alabang sa tunay nilang pagkatao?
Lahad ni Heaven, “Alam niya kung saan
papunta ‘yung buhay niya, although may times na nahihirapan siya, sa dreams, paano, paano makakamit iyon? Pero fighter siya.
“Alam niya, ini-imagine niya na dapat hindi dapat priority ang love, dapat ang priority niya is career.
“Pero ‘pag nagmahal siya parang all-out talaga. So as much as sinasabi niya sa sarili niya na hindi, career pa rin, ibinibigay niya ang lahat pa rin.
“And so iyon din ang hinihingi niyang effort para roon sa ka-partner niya naman. So parang same rin naman.
“So ang difference lang namin, pinakamalaking difference is siguro si Aica hindi siya masyadong loose, ako sobrang easygoing, like outgoing, alam mo ‘yun, parang kung saan ako dalhin ng hangin.
“Si Aica hindi, talagang straight lang siya, so ayun.”
Ayon naman kay Marco, “I think I’m close to Tino pagdating sa mga bagay na he invests in.
“So like he invested into this relationship and he was like all in, and nothing mattered anymore and I think I’m similar with that.
“Like to me in my life, roon sa buhay ko, like, career is a priority but it’s not the main priority,” pag-amin pa ni Marco.
“To me life is my priority with everything, you know, people I meet, people I love, people I hang out with, experiences.
“Work is just one of them.”