I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa siya sa brand ambassadors ng aesthetic lifestyle na iSkin. Isa si Rita sa binayayaan ng malusog na dibdib lalo na ngayong may anak na siya.
“Ang gusto ko, i-pamper ang sarili ko dahil matapos akong manganak eh, bahagi ako ng aesthetic na ito. Tama na sa akin itong boobs ko na biyaya sa akin,” rason ni Rita.
Pero sa pagkakaroon ng anak, sinita siya ng onscreen partner na si Ken Chan dahil hindi siya kinuha ni Rita bilang ninong.
“Friend ko kasi siya. So alam kong malalapitan ko siya pagdating sa anak ko kung may kailangan. Malaki ang responsibilidad ng isang ninong o ninang just in case mawala ako. Siya ang matatakbuhan ng anak ko,” diin pa ni Rita.
Kasama ring inilunsad bilang modelo ang iba pang Sparkle artists na sina Kim Perez, Olive May, Brent Valdez, at Rain Hilary.
Mapapanood soon si Rita sa GMA series na Widow’s War.