Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami siyang sundot na nakatatawa naman talaga kaya ipinauulit pa sa kanya ng mga kasama. Kung dati ang tawag lang sa kanya ay Tash ngayon tinatawag na siyang Tashing. Inilalapit talaga nila siya sa masa.

Malakas ang aming kutob na kung gagawa ng pelikula ang sino man sa TVJ tiyak na isasama nila si Tashing sa cast niyon. May sarili na rin siyang following. Aabot na rin sa milyon ang followers ng kanyang social media account na Dear Tash.

Ang tinatanong nila, ano naman kaya ang kalalabasan ni Andres? Mas malakas ang dating ni Andres kaysa kay Tash noong una pa pero hindi pa nga talagang defined ang papasukin niyang image bilang isang actor. Ngayon kasama siya ng kanyang pamilya sa isang sitcom, pero marami ang naniniwala na mas kikiligin sa kanya ang fans kung isang love story ang kanyang gagawin. Iyon nga lang dapat hindi siya lagyan ng permanenteng ka-love team. Malakas naman ang batak niya on his own kaya kung iba-iba ang kanyang makakatambal, mas lalawak pa ang kanyang fan base.

At sa ngayon, mukha namang walang maitatapat sa kambal ni Aga Muhlach. Ang sinasabi lang nila, baka mailaban kay Andres ang anak ni Judy Ann Santos dahil na rin sa hitsura niyon. Pero wala pa rin namang pruweba si Lucho, nakita lamang ng fans ang kanyang litrato sa social media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …