MATABIL
ni John Fontanilla
MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa isa sa nakalipas nilang show.
Dahil nga sa likas na kaguwapuhan, magandang height at husay sa pagkanta ay may mga babaeng gumagawa ng paraan para mapansin.
Ani Angelo, habang nagpe-perform sila ay biglang may nagtapon ng sanitary napkin sa stage kaya nagulat ito. Mabuti na lang daw at hindi tumama sa mukha niya.
Ang napkin ay may nakasulat na pangalan ng babae at cellphone number.
Natanong din ang isa pa sa miyembro na si Atty. Rey Bergado at sinabi nitong, “Mayroon nagbabato ng kaso!, pabirong sambit nito.
At kahit nga abala sa kanyang propesyon bilang abogado ay ginagawan pa rin nito ng paraan na makatugtog dahil mahal niya ang musika.
Sa ngayon ay abala sina Angelo at Atty. Rey at ang buong miyembro ng InnerVoices sa kanilang sunod-sunod na shows at sa promotion ng kanilang new single.