MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang bansa nang magbakasyon ito kamakailan.
Sa X (Twitter) ay nag-share si Maine ng kanyang larawan after nitong magpagupit sa isang sikat na hair salon abroad.
Post ni Maine, “When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the experience and spontaneity only to regret it later.
May mga kumalat na litrato ni Maine na makikitang umiiyak ito. Pero to the rescue naman ang fans ni Maine na nagsabing maganda ang kinalabasan ng gupit.
Ilan sa reaksiyon ng fans nito sa kanyang new hairdo:
“Maganda naman! Summer look! Wala pang kamukha!”
“Khit kalbo kapa. Lamyu Memeng ko.”
“Sobrang ganda mo menggay!”
“Okay lang bagay pa rin sayo maganda ka parin Maine Cutie.”
“Ang iksi ng buhok ni @mainedcm pero ganda niya.”