Saturday , July 26 2025
Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod.

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding (MOU) kasama si CWC Undersecretary Angelo M. Tapales.

Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod ang Makabata Helpline bilang karagdagang serbisyo sa hotline na naa-access ng publiko para sa child-related concerns.

“Our city treasures its young population. Through the Makabata 1383, we encourage people, especially the youth, to report instances of child abuse and violence, and help to immediately resolve these cases,” saad ni Mayor Tiangco.

Ang CWC, sa pakikipagtulungan sa Navotas, ay naglalayon na gawing popular ang child helpline service at i-maximize ang mga operasyon nito upang makinabang ang mas maraming mga bata at pamilyang Filipino.

Ang Makabata Helpline na inilunsad noong Nobyembre 2023 ay binuo ng CWC upang magbigay ng plataporma para sa mga bata na mag-ulat ng anumang uri ng karahasan, pang-aabuso, at pagsasamantala.

Nilalayon din nitong tugunan ang paglabag sa mga karapatan ng bata sa pamamagitan ng agarang koordinasyon at prevention measures.

Dumalo sa seremonya sina Atty. Karen Gina Dupra, CWC Project Management Office Head, at Ms. Jennifer Serrano, City Social Welfare and Development Officer. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …