HARD TALK
ni Pilar Mateo
SEGUE naman tayo sa isa pang masasabing aalagaan din nina Ladine at Vehnee sa pagpapalaganap nila sa kakayahan ng tinutulungan nilang artist.
Revival ng pinasikat na kanta ni Tootsie Guevarra na Kaba ang ginawan ng naaayong areglo ni Vehnee for Ysabelle Palabrica.
The name rings a bell. Dahil public servant bilang isang Mayor sa Bingawan in the heart of Panay Island, na malapit sa Iloilo at Roxas City, ang kanyang ama. Si Mark Palabrica. At si Mama JeAn Magno Palabrica naman niya ay may-ari at administrator ng isang pribadong paaralan ng Centerphil Montessori sa campuses ng Iloilo at Bacolod City.
Sa pagbalik-balik naman nila sa Maynila to do gigs nakilala niya ang manager ng Krazy-X Group na si Audie See. Kaya nakagawa sila ng YouTube show na Krayz-X.
At naging bahagi pa sina Ysabelle at Krazy-X ng Noon at Ngayon concert na ginanap sa New Frontier Theater.
Namamayagpag na ang mga awit ng dalawang very promising artists sa iba’t ibang music platforms gaya ng Spotify.
Ano nga bang Misteryo mayroon ang Kaba ni Saturno?
Sasagutin ‘yan nina Yza at Ysabelle!