ni Ed de Leon
MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering hole, at doon binobola niya ang mga customer particularly ang mga bading na bilhin ang mga mamahaling alak sa bar.
Tapos may komisyon siya sa bar sa bawat bibilhin ng mga kausap niya. Siyampre para mas maging effective, kailangan siyang makipag-inuman sa mga binobola niya at para mas lumaki pa ang kanyang kita sasama na rin siya sa mga iyon basta niyaya siya pagkatapos ng inuman. Natural sasama na siya sa paraiso pero pinagtatawanan pa rin siya ng iba dahil ang nakakasama raw niya sa paraiso ay hindi iyong babae kundi iyong ahas. Pero para sa kanya ok lang iyon dahil marami siyang pera. Mas malaki pa raw ang kinikita niya sa mga date na iyon kaysa mga ginagawa niyang gay series sa internet at sa pagsasayaw niya sa mga out of town shows na barya lang din ang bayad.
Iyon nga lang, paano kaya kung kumalat ang kanyang mahahalay na pictures at video na ginagawa ng mga nakakasama niyang bading kung lasing na siya? Actually may ilan nang sumisingaw, kaya nga nabuko ang raket niyang bago eh.