HATAWAN
ni Ed de Leon
NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang sarili. Ano nga ba ang aasahan ninyo eh namuhay naman ng tama ang mga batang iyan at naging seryoso sa kanilang pag-aaral. Ngayon nga lamang nagbabago ang ikot ng kanilang mundo dahil napasok na sila sa showbusiness.
Hindi naman kailangang magmadali si Andres. Iyang tipo namang iyan ay hindi maghahabol ng mga babae, siya ang hahabulin ng mga babae.
Ngayon nga lang eh, ilan na ba iyong mga artista na gustong ma-link kay Andres? At ilang models din ang may ambisyong mapansin sila ni Andres? Mukha ngang masasabing siya ang dreamboy ng kasalukuyang henerasyon.
Pero mukhang hindi naman magmamadali si Andres sa mga bagay na iyan. Marami pa siyang priorities bukod sa kanyang nagsisimulang career. At sabi nga ng ilan, mukhang choosy ang poging anak ni Aga.