Friday , May 16 2025
Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABIL
ni John Fontanilla

NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko na proud siya na ginastusan niya ng milyon-milyong piso ang isa sa kanyang naging boyfriend.

Naganap ang pag l-amin ni Ivana sa kanyang vlog kasama ang kanyang pamilya habang naglalaro sila ng  “Never Have I Ever” game.

May tanong kay Ivana na, “gumastos ka ba ng malaki para sa isang lalaki?” na tanging si Ivana ang sumagot ng oo na ikinagulat ng kanyang pamilya.

“O ako, nakailang milyon ako! Proud ako,” ani Ivana.

Habang sinabi naman ng ina nito na hinding-hindi siya maglalabas ng pera para sa lalaki.

Hindi naman sinabi ni Ivana kung sino ang masuwerteng lalaki na ginastusan niya ng milyones na siyang inaabangan naman ng netizens.

Kung sabagay, may mga  tao talaga na grabe kung magmahal, kayang ibigay ang lahat para mapasaya lang ang taong minamahal.

About John Fontanilla

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Jace Salada

Jace Salada bibida sa Sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-BIBO ng batang actor at isa sa host ng award winning children …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …