Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABIL
ni John Fontanilla

KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na bida sa kaabang-abang na romantic drama movie na When Magic Hurts ng REMS Entertainment Productions at idinirehe ni Gabby Ramos.

Katulad ni Rico, maamo at napaka-ganda ng mukha ni Beaver, mahusay umarte at nagtataglay ng magandang ngiti.

At kahit nga baguhan sa mundo ng showbiz ay taglay ni Beaver ang husay sa pag-arte at magandang PR sa mga entertainment press, kaya naman mabigyan lang ng magagandang proyekto ng ABS-CBN ay tiyak na kikinang ang pangalan nito at ‘di malayong manalo ng award bilang mahusay na aktor.

Kasama ni  Beaver sa When Magic Hurts ang kanyang kapwa  Star Magic artist na sina Mutya Orquiaat Maxine Trinidad na pareho ring napakahusay sa nasabing pelikula.

Saludo nga ito sa kanyang leading ladies na sina Mutya at Maxine, dahil sa husay ding pagganap sa kanilang pelikula.

Makakasama nina Beaver, Maxine, at Mutya sina Claudine Barretto, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Aryanna Barretto, Archie Adamos, Angelica Jones, Aileen Papin at marami pang iba.

Mapapanood sa mga si sinehan nationwide ang When Magic Hurts sa Mayo 22.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …