ni Ed de Leon
AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya ng syota niyang female starlet.
Minsan naisipan ng DOM na magbulatlat sa social media at doon niya nalaman na ang kanya palang syota ay may ka-date out of town. Nang tanungin iyon kung foreigner ba ang kanyang ka-date sumagot iyon ng hindi, kababayan daw niya. Wala siyang kamalay-malay na nalaman iyon ng DOM.
Ang masakit pa, mukhang may tama ang nasamahan ng female starlet kaya hindi siya makapagpakita ngayon sa DOM. Hindi naman niya maitatago iyon sa DOM niya dahil sa lumalabas na symptoms sa kanyang katawan. Alam niya na oras na makita iyon ng DOM, iiwanan na siya.
Kaya hindi muna siya nagpapakita sa DOM at humihingi na lang siya ng kahit na magkano na ipinadadala naman ng matanda sa kanyang GCash.
Malandi naman kasi siyang sobra eh.