Sunday , December 22 2024
Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWAN
ni Ed de Leon

ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai Ai delas Alas at ng kanyang batam-batang esposo na si Gerald Sibayan. Siguro nga masasabing iyan na ang pinaka-matagal na relasyon ni Ai Ai.

Iyong huli niyang pinakasalan sa US bago si Gerald na akala niya ay totoo nagbugbugan agad sila noon din mismong araw matapos silang ikinasal at makalipas lang ang ilang araw, nakipaghiwalay na si Ai Ai. Ilang buwan lang divorced na agad sila.

Pero itong si Gerald na kung sabihin nila noon ay hindi rin magtatagal dahil halos kasing edad lamang iyon ng anak ni Ai Ai, siya pa ang tumagal. At sinasabi pa nga ni Ai Ai na ang asawa niya ngayon ay isang good provider. Ibig sabihin, hindi umaasa sa kanya sa kabuhayan. Minsan hindi mo masabi talaga kung saan mo matatagpuan ang suwerte.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …