HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto.
“Kasi marami rin akong naririnig na ganoon na fortunately hindi ko na-experience ‘yan at all, in fact kabaligtaran ang na-experience ko riyan.
“Sample lang, ‘Eat Bulaga,’ nag-guest ako noong kasikatan ni Maine Mendoza at saka ni Alden [Richards], nasa isang dressing room ako, bihira na akong… kung mapapansin ninyo bihirang-bihira akong mag-guest sa TV, part na rin katamaran ko na rin siguro, ayoko ng traffic eh,” at tumawa si Hajji. “Going back sa story ko, kasikatan nila noon. I was already in the dressing room, doing my business, magpapalit ako, kumatok sila’t pumasok sila, nagmano pa sa akin eh, nagpakilala sila as if hindi ko sila kilala, kilala sila ng buong Pilipinas, ‘di ba?
“They’re showing me their respect, ganoon, and I’ve experienced that in almost all the studios that I’ve been, na I think kinikilala nila kung ano ‘yung kontribusyon ko sa industriya.
“‘Yun lang ang masasabi ko, ako hindi ko na-experience ‘yun and hindi ko ma-imagine kung bakit magiging ganoon. Mayroon daw kasing mga bagong artista na ‘yung ganoon, feeling prima donna, well, I’ve yet to see one, hindi ko pa na-experience ‘yun, eh.
“Maganda rin minsan… kasi hindi mo puwedeng i-presume na kilala ka ng lahat ng nanonood, halimbawa mayroon ding mga millennial diyan, ‘di ba. Ako ang ginagawa ko sinasabi ko roon sa mga kasabayan ko allow me to introduce myself to them, ‘My name is Haji Alejandro, your parents know me.”
May concert si Hajji kasama ang anak niyang si Rachel Alejandro, ang Awit Ng Panahon: Noon At Ngayon musical concert sa April 21, Sunday, 8:00 p.m. sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Kasama sa concert sina Gino Padilla, Kris Lawrence, Nitoy Mallilin (formerly of The Boyfriends), Edwin Cando (seven-time defending champion ng Tawag ng Kampeon), at John Raymundo (eight-time defending champion of Tawag Ng Tanghalan).
Mula sa Pro-Entertainment Production, ang organizer at producer ng concert ay si Spike Bermudez, sa direksiyon ni Ferdi Aguas.
Ang iba pang artists sa concert ay sina Male Rigor (of VST and Company), Pete Gatela and Carlos Parsons (of Hagibis), Arabelle Dela Cruz (of TNT of It’s Showtime and The Clash), Rachel Gabrezaand Luzviminda Piedad (of TNT of It’s Showtime), at Geoff Taylor ng Pinoy Dream Academy).