Sunday , December 22 2024
GMA7 ABS-CBN

Mga serye ng ABS-CBN mapapanood na rin sa GMA

HATAWAN
ni Ed de Leon

TOTOO iyon na may mga serye raw ng ABS-CBN  na papasok na sa prime time ng GMA? Ano kaya iyon, iyong mga serye ring ipinalalabas nila sa TV5 at Zoe TV at sa kanilang Kapamilya Channel o igagawa nila ng serye ang GMA mismo?

Kung ang ipalalabas lang ng GMA ay ang mga seryeng napapanood din sa iba walang kuwenta iyan, dahil ang mangyayari parang monopolyo at mawawala na ang kompetisyon. Ang talo ay ang audience na walang mapanood kundi iyon.

Talo rin ang mga artista at tekniko na madi-displace dahil papasok na nga ang content na gawa ng ABS-CBN. Ano na ang ipagmamalaki ngayon ng kanilang mga executive, ng kanilang creative teams, ng kanilang mga writers, director at maging mga artista? Magiging surplus na sila sa sarili nilang network. Mawawala na rin siguro ang kanilang pakikipag-collab sa ibang production companies kagaya ng Regal, dahil makukuha na nga iyon ng ABS-CBN.

Nangyayari iyan dahil sa kaisipan ng mga kompanya ngayon na mas maganda iyan para sa kanila. Una, wala na silang iintindihing benefits ng mga tauhan nila. Kung magkaroon man ng desgrasya sa set kagaya ng nangyari noon kay Eddie Garcia, hindi na nila pananagutan iyon. Problema na iyon ng production company. Dahil nawala na rin ang kompetisyon maski sa mga talent fee ng mga artista at tekniko kaya nilang babaan. Kung ayaw sa presyo nila eh ‘di huwag, tutal wala naman silang ibang mapupuntahan dahil hindi na nga magpo-produce ang network nila. Iyong mga artista ring itinali nila sa kontrata dahil nagtiwala sa kanila ay pumirma ng walang guaranteed income nganga na ang mga iyon. Marami na ngang artista ang GMA na naka-nganga na lang ngayon hindi ba? Kasi ang kinuha nila hindi lang mga talent kundi buong show ng ABS-CBN.

Kaya kung iisipin mo, kahit na nagde-deny na ngayon si Vice Ganda na sinabi niya iyon noon, nangyayari naman iyong sinasabing “wala kayong kinabukasan sa kabila.”

Ngayon ang maaari na lang asahan ay ang TV 5 dahil bagama’t pumapayag din sila sa blocktime ng ABS-CBN, nagpo-produce pa rin sila ng sarili nilang shows. In fact, sila nga lang ang makapagbibigay ng magandang alternative kung mangyayari ang kinatatakutang monopolyo. Sa ngayon maaaring totoo nga na natatalo pa ang TV5 dahil sa mataas nilang production cost sa kanilang shows, pero kung mababantad na ang audience sa mga show na puro replay at simulcast lamang, malamang sa hindi lumipat siya sa TV5, at iyon naman ang babawi sa audience support at sa advertising siyempre. I  the end may panalo sila.

Bakit ba kami manonood sa isang channel na ang palabas ay mapapanood din naman namin sa iba ng libre, at mayroon pang upon demand.

Ewan kung ano pa ang kinabukasan ng Philippine television kung ganyan nga ang kaisipan ng mga network. Hindi bale siguro naman kung matuluyan na nga ang migration ng television broadcast natin sa digital, mas dadami pa ang channels at may iba ring mapapanood bukod sa monopolyo.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …