HATAWAN
ni Ed de Leon
PARANG kampante pa rin si Daniel Padilla kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na mukhang etsapuwera na siya sa dating syotang si Kathryn Bernardo dahil ang laging nakabakod doon ay si Alden Richards na. Hindi lamang sa birthday ni Kathryn, pati sa house warming ng bagong bahay ng aktres si Alden na ang naroroon.
“Natural lang naman iyon Nagawa ko na rin naman iyan. Kaya lang napupuna ngayon ng mga tao ay dahil iba na ang naroon,” sabi ni Daniel na mukhang tanggap na ang katotohanan na wala na sa kanya si Kathryn at hindi na babalik sa kanya.
Pero kakatuwa, dahil iyong kanyang naka-one night stand at dahilan kung bakit siya iniwan ni Kathryn ay nali-link naman sa iba, sa baguhang si Kyle Echarri. Bakit hindi sila na-link sa isa’t isa kung nag-one night stand na nga sila? Posibleng totoo ang sinasabi ni Daniel na lasing lang sila noon at hindi naman niya gusto talagang maging syota si Andrea Brillantes. Si Andrea naman ay mukhang disappointed din dahil sa tsismis na, “hindi naman pala gifted si Daniel” eh ang pinanggalingan niyong si Ricci RIvero ay balitang-balitang “gifted talaga.”
Ewan natin, huwag na natin silang pakialaman tutal wala naman tayong kinalaman doon, napag-uusapan nga lang talaga.