HATAWAN
ni Ed de Leon
KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet ay may sinamahang isa pang bading, at nang magbalik iyon namamaga na ang lalamunan at laging may lagnat sa gabi. Baka kung ano ang ginawa ng boylet nang makipag-date ng tatlong araw sa ibang bading, at maliwanag na ang pamamaga ng lalamunan na may kasamang lagnat tuwing gabi ay tanda ng infection.
Ang pagkakaroon ng lagnat ay bahagi ng defense mechanism ng katawan ng isang tao para labanan ang mga nakapasok na vitrus sa katawan.
Aba dapat na mag-ingat nga ang showbiz gay, baka dahil sa sandaling kaligayahan ay humarap siya sa Acute and Irreversible Death Sentence. Mahirap na iyan tapos ipapa-fund raising siya kung matigok dahil doon aba eh malaking eskandalo iyan.
Iwas muna o palitan mo na iyan ng iba.