MATABIL
ni John Fontanilla
TRAUMA ang inabot ng Drag Queen na si Taylor Sheesh nang kinarate ito habang nagpe-perform sa Kalutan Festival sa Bayambang, Pangasinan kamakailan.
Kitang-kita sa kumalat na video sa social media na kinarate sa baba si Taylor Sheesh habang nagpe perform ng isang lasing na lalaki na nanonood sa VIP section ng venue.
Maging ang mga tao na nanonood ay nagulat sa ginawa ng lalaki na kaagad namang nahuli ng mga awtoridad at sinampahan ng kaukulang reklamo dahil na rin sa ginawa nito.
Post ni Taylor sa X/ Twitter, “This is traumatic. Literally. I’m shaking rn.”
At kahit nga ang Bayambang Mayora na si former actress Niña Jose-Quiambao ay ‘di sang-ayon sa sinapit ng impersonator.
Wika nito, “I will not tolerate homophobia and physical abuse in my town.
“I will make sure that JUSTICE will be dealt with.
“I am sorry to Taylor Sheesh that someone assaulted her during her performance! Don’t worry. Authorities have the person in question and this matter and incident will be dealt with accordingly.
“BYB is a peaceful and safe town and I cannot CONDONE this stupidious act! I am so mad and so angry!!!! SHAME on YOU!!!!”