REALITY BITES
ni Dominic Rea
MAPANINDAGAN kaya ni Direk Jose Javier Reyes ang pagkakatalaga sa kanya ngayon bilang bagong Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP)? Kakayanin kaya ng direktor ang pressure sa kanyang bagong posisyong hahawakan?
Marami ang natuwa nang inanunsiyong si direk Jose Javier na ang bagong uupong FDCP Chair. Marami rin ang nagulat at nagtanong kung kakayanin niya raw ba ang pressure at baka bigla na lang itong mag-resign?
“The fact that tinanggap niya ang pagiging chairman, meaning, alam niya ang papasukin niya. Maybe alam niya rin ang mga gagawin niya. So, he can make it. Malawak na rin kasi ang kaalaman ni Direk sa industry and deserve niya ‘yung posisyon niya. I just hope na kayanin niya and ramdam ko naman na keri niya,” paglalahad ng nakausap naming malapit na aktor sa direktor.
Ayon sa aktor na hindi ko na lang papangalanan, medyo tumagilid daw kasi ang naging performance ni Tirzo Cruz III bilang appointed FDCP Chair. Hindi raw yata kinaya ni Tirzo ang pressure at mukhang naramdaman na rin nitong hindi umano nagagampanan ng maayos ang kanyang posisyon.
Ayon pa sa aktor na aming kausap, marami rin daw ang mga manggagawa sa pelikula ang nadesmaya sa pag-upo ni Cruz at alam daw ng mga ito na hindi nito maitataguyod ng maayos ang ahensiya.
“Credible siya. ‘Yun nga lang, sabi ko nga, pressure and mahalaga ang time sa pagiging FDCP chairman. Hindi biro. Then, umaarte pa siya, may mga commitment pa siya bilang aktor, hindi talaga kakayanin ni Tirzo,” sabi pa ng aktor na aming kausap.