Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla

Daniel ratsada sa kabi-kabilang endorsement, serye sa ABS-CBN pinaghahandaan

REALITY BITES
ni Dominic Rea

TAMEME at tulala ang bashers ni Daniel Padilla nang lumabas ang mga sunod-sunod na contract signing at pagpasok ng bagong endorsement ngaktor.

Simula kasi December ay nag-fiesta ang mga nanlalait kay Daniel sa pag-aakalang after the said break-up with Kathryn Bernardo ay siya ring paglubog ng career ng aktor. 

Inakala rin ng karamihan na walang natirang solid fans and followers si Daniel pero nagulat sila nang napakarami pa rin palang nagmamahal sa aktor.

Mag-a-undergo next week para sa isang UFC training si Daniel para sa kanyang paghahandaang teleserye sa bakuran ng ABS-CBN.

Kasunod niyan ay ang isang bonggang concert hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad. 

Samantala, busy naman ang ina ni Daniel na si Karla Estrada sa kanyang commitments para sa Tingog Partylist na kasalukuyan itong nag-iikot sa buong bansa para sa mahahalagang misyon ng partylist.

Hindi rin maikubling super taas ngayon ng ratings ng kanyang daily morning show na Face 2 Face sa TV5.

Ayon kay Queen Mother, sobrang blessed lang niya ganoon din ang kanyang buong pamilya lalo na si Daniel dahil sa kabila ng panlalait at pangda-down sa kanila nitong mga nakaraang buwan ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng biyaya.  

Walang panahon si Karla na patulan pa ang mga taong pilit silang sinisiraan at pilit pinapalabas na masama. 

Ayon kay Karla, nakatuon ang kanyang atensiyon sa patuloy na pag-usad ng buhay at walang panahon sa mga negatibong tao sa mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …